Sabado, Abril 4, 2009

Tuliro

Gusto mang makipag-usap pero wala kang makausap, gusto mo ng makakasama pero wala kang makasama. Sadya sigurong ganyan, hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo. Pero may mga bagay na may magagawa ka pero pinili mong hindi gawan ng paraan at iyun ang pinakamasakit kasi hindi mo matatakasan ang mga "paano kung...". Kaya para sa akin, mas maigi na iyung masaktan ka na kung masasaktan ka kesa magpaalipin ka sa takot na baka masaktan ka kaya hindi mo ginawa o hindi mo sinubukan. Make a choice, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganito kaya samantalahin mo na ang mga pagkakataong may magagawa ka at may choice ka dahil mahirap ang feeling ng helplessness, pakiramdam mo wala kang silbi at babagsak ang self-esteem mo. Simple pero komplikado ang mabuhay di ba? Pero life is truly what we make it. Gusto ko ulit magsulat pero kinalawang na yata ako, ewan ko. Pero susubukan ko ulit kasi wala namang mawawala sa akin di ba? No guts, no glory.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento