Martes, Abril 7, 2009

AMAK

Nangangalabit ang kaba
nangungutya ang pangamba
Humahalakhak ang kawalan
Saan ko ba hahanapin ang kasagutan?

Isang pumapagaspas na balita
ang dumapo sa aking gunita
nagtanim ng agam-agam
sa pusong nangungulila

purgatoryo ang mga tanghali
impyerno bawat gabing
nilulunod ako ng samu't-saring isiping
naglilibing sa akin sa kumunoy ng kawalan

subalit walang silbi ang paninimdim
walang ibang dapat gawin
kundi magtiwalang sa darating na panahon
mananatili kang akin

2 komento:

  1. maaaring mali rin ako pero pakiramdam ko may parang lungkott kang pinaghuhugutan ng tula mong ito...

    ano ang pangalan mo sa FW? filipinowriter.com...?

    -Yiennarda.

    TumugonBurahin
  2. oist! bakit amak ang title nito, feeling ko si papa orlando ang tinutukoy mo dito?

    TumugonBurahin