Huwebes, Abril 9, 2009

REUNION sa Huwebes Santo

Sa halip na mangilin...
ginugutom ako ng halimuyak ng adobong manok

sa oras na nagsisimula na ang paghihirap ni Kristo
nangangalahati na ang pelikulang pinapanood ni Don

sa oras na tahimik sana sa hardin ng Getshamane
nambubulahaw ang "Now and Forever" ni Richard Marx sa kapitbahay

sa oras na naglalamyerda sa beach ang karamihan sa mayayaman
naglulublob naman sa Manila Bay ang mahihirap

At ako...
nagpo-post sa aking blog
para hulihin sa iilang salita
ang pambihirang pagkakataong
makikita kong muli ang mga dati at bago
kasama ng mga ngayon at luma

mauunawaan naman siguro ng Diyos
ito lang ang panahong pwede kaming magsama-sama
at maging masaya sa presensya ng isa't-isa
bago muling maghiwa-hiwalay
patungo sa kanya-kanya naming buhay
at ang ganitong pagkakataon
ay hindi ko alam kung mauulit pa
nang kumpleto ulit kami

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento