Linggo, Abril 12, 2009

ILIW

Sa dilim ng hatinggabi
nagniningning ang iyong ngiti
humahalimuyak ang iyong kagandahan
nagbabaga ang iyong damdamin

nalulunod ako
sa ilog ng iyong mga mata
lumulutang sa hangin
ang init ng iyong hininga

Humakbang kang papalapit
dahan-dahan,
unti-unti
dumampi ang iyong labi...sa hangin

sa nakalutang na kawalan
bumalik ako sa aking ulirat
nag-iisa...

hindi kayang tahiin ng pangungulila
ang libong milya sa pagitan natin
kaya't aasa na lang akong sa darating na panahon
patuloy kang magiging akin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento