“Shit, ngayon pa nag-brown-out!”
Ibinagsak ni Zen ang pawisang likod sa malambot na
“Bwiset! Anong oras kaya babalik ang kuryente?” tanong nito sa sarili habang wala sa loob na nahaplos ang bukol sa kanyang pantalon. Napangiwi siya nang muling umatake ang hapdi sa kanyang puson.
Nabitin siya. Nasa kalagitnaan siya ng panonood sa isang sex video scandal na maagap niyang nai-download bago pa man nai-block ito ng mga network.
Napatingin siya sa maliit na desk clock sa katabing lamesita ng
“Hello, pwede ka ba ngayong gabi?”
“Hoy, babae!” paninita ni Dianne sa best friend at room mate na si Celine nang lumabas ito sa banyo na nakabihis. “Madaling araw na, baka hindi mo alam?” napabangon si Dianne mula sa pagkakahiga habang pinapanood ang pagkukumahog ng kaibigan.
“Tinawagan ako ni Zen, e.” hindi magkandatuto si Celine sa pagsusuot ng sapatos habang kinukuskos ng tuwalya ang basam-basang buhok. “Brownout daw sa kanila e.”
“O, e ano ngayon? Ikaw ba ang may-ari ng Meralco?” Inis na napakamot ng ulo si Dianne. “Inaatake na naman ng kamanyakan iyang nobyo mo, ang sabihin mo!”
Kumunot ang noo ni Celine sa sinabi ng kaibigan. “Hay naku, Dai…akala ko ba tapos na tayo dito? Pagtatalunan na naman ba natin…”
Inis na nagtalukbong ng kumot si Dianne at muling nahiga. “Sige na, baka mainip na si Lover Boy mo! Gudlak na lang sa iyo girl! Basta ingat ka lang sa …”
BLAG! Nagulat si Dianne sa biglang pagsara ng pinto. Umalis na si Celine. Dali-daling bumangon si Dianne at hinablot ang jacket na nakasampay sa gilid ng
“Antagal mo naman!” bungad ni Zen sa nobya sabay yakap ditto. Tangkang hahalikan niya
“Hello, ang hirap kayang kumuha ng taksi pag ganitong oras na!” Yumuko si Celine para hubarin ang sapatos nang matigilan siya.
“Ano iyon, Celine?” lumikot ang mata ni Zen nang suminghot-singhot sa hangin ang dalaga.
“Parang may naaamoy akong ibang pabango…”
Pagak na tumawa si Zen. “A, baka naaamoy mo iyung pabango ni Josh. Andito kasi siya kanina lang. Kaaalis-alis lang niya nung dumating ka. Wala kasing air con o electric fan kaya andito pa rin ang amoy niya, pasensya na ha?” Niyakap nito ang dalaga mula sa likuran at tila walang anumang dumantay ang isang palad nito sa mayamang dibdib ng nobya.
“Zen…”
“Na-miss kita Cel…”
Umingit ang
Maingat na isinara ni Dianne ang gate ng tinutuluyang bahay ni Zen. Napatingin siya sa maaliwalas na kalangitang pinagliliwanag ng bilog na buwan. Nag-alala siyang bigla para sa kaibigan kaya inalis niya ang sapatos upang mas tahimik siyang makahakbang sa damuhang nakalatag sa harapan ng bahay.
“Malaman ko lang na ginagago mo si Celine…” bulong ng isip ni Dianne habang maingat na binubuksan ang pintuang hindi naisarang maigi. Panatag siguro si Zen dahil isang exclusive subdivision ang tinutuluyan nito at mahihigpit ang mga guwardiya sa gate.
Pero nang banggitin ni Dianne ang bahay ng pupuntahan niya sa gwardiyang sumita sa kanya kanina ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay huminto ang tingin nito sa malapad niyang balakang na hindi naitago ng suot na maluwang na jogging pants. Pinamulahan ng pisngi ang dalaga nang dumako ang mata nito sa dibdib niya bago umangat muli sa kanyang mukha.
Ngumiti nang malisyoso ang guwardiya. “Ingat lang kayo, ma’am. Kadadaan lang kanina ng girl friend ni Sir.”
“Alam ko, siya nga ang tumawag sa akin na samahan siya e.” Nakita ni Dianne ang bahagyang pagkunot ng noo ng guwardiya pero saglit lang iyon at sinenyasan na nito ang kasamahan na papasukin ang dalaga.
Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ni Dianne habang maingat na isinasara ang pinto ng bahay. Napakadilim sa loob. Kinapang maigi ni Dianne ang nilalakaran upang hindi siya mapatid at makalikha ng ingay. Pumikit siya upang sanayin ang mata sa dilim.
May biglang kumaluskos sa kanyang likuran. Biglang pumihit si Dianne at nagkaharap sila ng isang lalaking mukhang nagulat din nang makita siya. Pero hindi ito si Zen.
Mabilis na kumilos ang dalaga.
Ginulantang si Zen ng biglang pagtunog ng kanyang cellphone, pupungas-pungas na bumangon siya at bahagyang inalis ang braso ni Celine na nakadantay sa kanyang dibdib upang maiunat niya ang katawan at maabot ang cellphone na nakapatong sa may lamesita.
“Zen, andiyan ba si Josh?”
Napakunot ang noo ni Zen at biglang napabalikwas ng bangon. “Pumunta po siya ditto kagabi pero umalis din. Bakit po Tita?”
“Wala pa kasi siya, hindi rin namin makontak at patay yata ang cp niya.”
Nagmulat ng mata si Celine. “Zen…”, panimula nito.
Sinenyasan ni Zen ang nobya at ipinikit nitong muli ang mga mata.
Tuluyan nang bumangon si Zen at tumakbo patungong banyo.
Mataas na ang araw nang mapabalikwas ng bangon si Celine, wala na ang nobyo sa tabi.
Dali-daling pinindot ni Dianne ang buton ng washing machine, pinanood niya ang unti-unting pagpula ng tubig na may kasamang sabon.
Pumatak ang kanyang luha.
“Hindi ko sinasadya…” nausal na lang niya bago tuluyang napahagulgol.
Lumabas ng banyo si Celine, nakatapi ang tuwalya ni Zen sa basa at hubad nitong katawan. Napapailing na iginala nito ang paningin sa makalat na kabahayan. Nag-umpisa siyang pulutin ang mga nagkalat na damit nang matigilan siya.
Dinampot niya ang damit na nakasiksik sa paanan ng sofa at isang malagkit na likido ang kumapit sa kanyang daliri.
“Anong…”tanging nausal ni Celine bago napansin ang mga patak ng dugong ikinubli ng kulay abuhing carpet sa salas.
Napasugod si Zen papasok sa morgue. Tinawagan siya ng nobya. Natagpuan na daw si Josh, halos luray-luray ang katawan na ikinubli sa isang malaking banga na matatagpuan sa salas ng bahay ni Zen.
Inabutan niya ang nobya, tulala. Niyakap niya ito at lihim na umusal ng paghingi ng tawad sa namayapang kaibigan.
Kinagabihan ay tinulungan ni Celine ang nobyo na mag-ayos at maglinis ng bahay. Walang kibo si Zen habang pinupunasan ang mga patak ng dugong naiwan sa sahig. Ang carpet ay ipinadala na agad nila sa dry cleaner para maalis ang mga mantsa nito.
“Zen…” may kakaibang damdamin sa tinig ni Celine na nagpaangat sa mukha ni Zen mula sa ginagawa. Matiim na nakatingin sa kanya ang nobya, hawak ang isang handycam. “Ano ito?”
“Sa-saan mo nakuha iyan?” kandautal na tanong ni Zen bago tinangkang agawin ang handycam sa nobya. Pero mabilis na naiiwas iyon ng dalaga at tanging hangin ang inabutan ni Zen.
“Nakita ko sa aparador na pinagtaguan ni Joshua.” Walang bahid ng alinlangan sa tinig ni Celine. “Kaya pala naaamoy ko pa ang pabango niya…”
“Celine…please…” gumapang papalapit si Zen sa nobya. “Magpapaliwanag ako…”
Kumislap ang mata ni Celine. Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi nitong ngipin at sa labis na pagkagulat ni Zen ay humaba ang mga pangil nito.
Dali-daling binuksan ni Dianne ang pinto nang marinig ang tinig ni Celine. Humantad sa kanya ang kaibigan na nakasuot ng maluwang na board shorts at pulang sandong maluwag para rito.
“Dianne…” niyakap ni Celine ang kaibigan nang makita ang pangamba sa mga mata nito. Napahagulgol si Dianne sa balikat ng kaibigan.
“Sorry, hindi ko sinadya…reflex reaction iyun, Celine…maniwala ka…”
“Shhhh…tama na.” Malambing na hinagod ni Celine ang likod ni Dianne. “Dapat lang sa kanila iyon, mga manyak!”
“Kailangang umalis tayo dito, Celine…ang mga pulis”
“Hindi na nila kailangang magpakahirap maghanap sa mga salarin. Iiwanan ko sila ng ebidensiya para hindi naman sila mambintang ng mga walang malay.” Tiningnan ni Celine ang bilog na bilog na buwan na nakadungaw sa kanila mula sa bintana. Napangiti siya.
Pinahid ni Dianne ang luha. Ngumiti rin ito at lumabas ang matatalim nitong mga pangil.
“Ser, ito na po iyung handycam na naiwan dun sa crime scene.”
Kinuha ng hepe ng NBI ang duguang handycam na nakasilid sa isang transparent na plastic bag. Sinilip ito. “
“Ipapasa ko agad sa department, sir. Baka mabigyan tayo ng lead.”
Matapos ang ilang buwan, naglalakad lakad si Dianne sa may Quiapo nang mapadaan siya sa bilihan ng mga DVD. Isang titulo ang nakatawag sa pansin niya.
“Miss, ano ito?”
“Ay, ma’am maganda po iyan. Horror na may bold pero maiksi lang. Ang ganda ng pagkakagawa! Parang totoong nilalapa ng werewolf iyung lalaki. Ang galing ng effects!”
“Napalabas na ba ito sa sine?” tanong ni Dianne habang tinitingnang maigi ang mga imahe sa cover ng dvd.
“Naku, hindi po iyan pinayagang mailabas, ma’am. Masyado daw po kasing brutal at makatotohanan. E, bibili po ba kayo?”
Ngumiti si Dianne sabay kapa sa kanyang pitaka.

hehehe, kakaiba to ah...
TumugonBurahinsana ang title mo,
sa pagkubli ng bukang liwayway... hehehe, joke lang!