Walang patawad ang init ng araw sa mga panahong ito, hindi ko alam kung talagang epekto na ba ito ng global warming o climate change na sinasabi o dahil nasanay lang ako sa malamig na lugar. Bagamat mahangin din naman dito sa kinalalagyan ko, wala pa ring makakapantay sa sariwang hanging nanggagaling sa kabundukan. Siguro, busy na ang mga tao ngayon sa pagtatanim ng palay, sayang hindi ako makakasama sa pagkakataong ito dahil andito ng ako sa napakainit na lugar. Kunsabagay, mainit din namang magbilad sa gitna ng palayan pero at least kasama ko ang mga taong malapit sa akin at labis kong nami-miss sa ngayon. Sarap sanang magbakasyon pero hindi pwede dahil andaming trabahong nakatambak sa ngayon.
Headline sa dyaryo ang isang babaeng nabuhay sa isang bahay na malapit sa Pasig River. Sinasabi niyang nasubaybayan niya ang pagbabago ng ilog mula sa malinis hanggang sa napakarumi. Naisip ko lang, bakit kaya wala siya o kahit sinumang nakasubaybay sa ilog ang naging maagap na ikampanya ang pangangalaga dito? Kung titingnan mo kasi ang ilog Pasig ngayon, hindi siguro aabot sa ganito kung hindi napabayaan ng mga tao at kung hindi rin napabayaan ng gobyerno ang mga tao. Sa panahon ng tag-init, isa sana ang Pasig sa malapit-lapit na pwedeng languyan ng mga kababayan nating gustong magpalamig. Hindi naman kasi lahat, can afford na magbakasyon sa mga beach, krisis pa naman ngayon. May Pag-asa pa kaya ang Ilog Pasig? Sana...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento