Sabado, Marso 21, 2009

ignoramus

hindi ko akalaing mapipilitan din pala akong gumawa ng blog. Nagpapaka anti-social kasi ako e, ayokong makisabay sa mga uso-uso ngayon lalo na sa mga kabataan kasi hindi na naman ako masyadong bata. Pero nakakatuwa pa rin pala na kahit mag-isa ka lang na namumuhay, may nakakausap ka maski papano, kahit di mo sila kita at kahit hindi mo kilala. Pero siyempre, walang tatalo sa personal na kausap at kasama. Pero habang malayo ako sa mga mahal ko sa buhay, pagtitiyagaan ko na lang muna ang pakikipagniig sa mga keyboard ng computer.

1 komento:

  1. bulaga! nakita kita! hehehe! nakakaadik ito, binabalaan kita, lalo na kapag nakita mong may nagkokomento at pumupunta sa blog mo. meron din ako, punta ka ha. chummy-chummy at isang di gaanong ala-matangpobre.

    http://lagalagnaengkantada.blogspot.com/
    http://adaengkantada.wordpress.com
    http://kaututang-dila.blogspot.com

    TumugonBurahin